Pormal na tinanggap ng double gold Olympic medalist-gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang bagong tahanan sa McKinley Hills township sa Taguig City na nagkakahalaga ng P32 milyon at handog ng Megaworld Corporation.
Ang tatlong bedroom na fully-furnished at nadisenyuhan nang condominium unit ay isa sa pinakabago at pangunahing residential property sa McKinley Hill na may kasama pang parking slot para sa bagong Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga naman ng P4.5 milyon at inihandog sa champion athlete ng Toyota Motors Corporation.
Ang 100 square-meter unit ni Yulo sa McKinley Hill ay kumpleto sa appliances, furniture, fixtures at iba pang kinakailangan. Mayroon din siyang natanggap na P3 milyong cash reward mula sa Megaworld.
Ibinigay nina Kevin L. Tan, anak ng tycoon na si Dr. Andrew L. Tan at presidente at CEO ng Alliance Global Group, Inc. (AGI), at Lourdes T. Gutierrez-Alfonso, presidente ng Megaworld Corporation, ang sus isa condo unit kasama ang cheke sa kauna-unahang Pilipinong atletang naka-dalawang medalyang ginto sa Olympics.
Ang isa sa mga kakaibang inilagay sa unit ni Yulo ay ang custom-made nesting coffee table na tila ang gintong medalya na napanalunan ng atleta sa Paris Olympic Games.
Ang parking slot ni Yulo ay may sariling Certificate of Title na nasa harap lamang ng elevator lobby ng condominium.
Sa pag-turn-over ng condo unit ni Yulo, nakatanggap din siya ng panghabambuhay na libreng delivery service at ekslusibong mga pagkain at kagamitan mula sa delivery app na PICK.A.ROO.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ng Megaworld Corporation)
P32 Milyong Condo Unit sa McKinley Hill ng Double Gold Medalist na si Carlos Yulo, Naibigay Na, Bukod sa Cash na P3 Milyon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: