Hindi pinatawad ng dalawang kalalakihan ang Araw ng mga Patay sa kanilang isinagawang pagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Santa Ana, Taguig City.
Nakumpiskahan ang mg suspek na sina alyas Sonny Boy, 28 anyos, at Boy, 43 anyos ng 45 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P374, 000 bukod pa sa baril at bala bandang alas 4:40 ng madaling araw kahapon, Nobyembre 3, 2024.
Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Taguig Police Substation 4 sa Barangay Sta. Ana nang mamataan ang dalawang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga.
Bukod sa mga nakumpiskang hinihinalang shabu, nakuha rin sa mga ito ang isang .4-caliber na baril na may markang PT 24/7 Pro Forjas Taurus S.A. at may lamang isang bala, bukod sa dalawang magazines para sa baril at dagdag na 11 piraso ng .4-caliber na bala.
Haharapan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang dalawang suspek.
(Mga larawan ng Taguig Police)
P374, 000 na Hinihinalang Shabu at Baril, Nakumpiska sa 2 Lalaki sa Barangay Santa Ana | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: