Mahigit P400,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska mula sa tatlo katao sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pinagsamang puwersa ng pulisya sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City noong gabi ng Oktubre 7, 2024.

News Image #1


Nakumpiska kina alias Mark, isang 40 taong gulang na electrician, alias Ponggo, 35 taong gulang na babae, at alias Nasria, 30 na babae ang may 60 gramo ng hinihinalang shabu na ang halaga ay nasa ₱408,000.00.


News Image #2


Nagsanib puwersa ang Southern Police District Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency-SDO, DID, DSOU, DMFB, at Taguig City Police Sub-Station 9 upang maaresto ang tatlo noong Lunes ng 11:45 ng gabi.

Naibigay na ang mga ebidensiyang droga sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa pag-aanalisa.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Repubilic Act 9165 ang tatlo.

(Mga larawan mula sa SPD)