Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nga establisamiyento ng negosyo na sumunod sa itinatakda ng batas kaugnay ng pagbibigay ng diskwento at iba pang pribilehiyo sa mga persons with disability (PWD) makaraang makatanggap sila ng mga ulat na mayroong mga hindi tinatanggap ang kanilang PWD card.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig PIO)

Sa ilalim ng Republic Act No. 10754 o "An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability," kailangang sundin ang 20% diskwento para sa mga PWD. Bukod pa sa value added tax (VAT) exemption sa ilang mga bilihin at serbisyo para sa mga ito.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Elaine Fallarcuna ang mga lalabag sa batas ay magmumulta ng P50, 000 hanggang P200, 000 o makukulong ng 6 na buwan hanggang 6 na taon. Bukod pa rito ang pagpapawalang-bisa sa kanilang mga business permit, franchise o anumang pribilehiyo bilang mga negosyante.

News Image #2

(logo ng DSWD)

Sa ilalim din ng RA 10754 ang mga PWD ay may karapatan na matulungan sa kanilang edukasyon, at mabigyan ng diskwento sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin, gayundin ang paglalagay para sa kanila ng express lanes sa lahat ng establisamiyento.

Kung may reklamo ang mga PWD, maaari silang direktang magharap ng kanilang hinaing sa integrated grievance redress management system (IGRMS) online sa website na ito: https://i-grs.dswd.gov.ph/

Mahigit 1.8 milyon ang PWD sa bansa.

News Image #3

(Larawan mula sa Taguig PIO)