Isandaan at dalawmpung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱816,000.00 ang nakumpiska sa 4 na naarestong tao sa isang drug bust sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Agosto 6, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa SPD)

Nagsagawa ng buy-bust operation bandang alas 10:15 ng gabi noong Agosto 6 ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Southern Police District (SPD), sa pakikipagtulungan sa District Intelligence Division (DID), Philippine Drug Enforcement Agency - Southern District Office (PDEA-SDO), District Special Operations Unit (DSOU), District Mobile Force Battalion (DMFB), at Sub-Station 10 of the Taguig City Police Station.

Nagpanggap na buyer ang isang otoridad, at nang nagkapalitan na ng pera at hinihinalang droga, naaresto sina alyas Mark, 50 anyos, alyas Romaila, 32 anyos, alyas Kailyn, 20 anyos at alyas Mohiddin, 26.

Naibigay na sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis ang nga nakumpiskang droga.

Haharapan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.