Makakatipid ng P281,461.92 sa bawat isang taon ang isang tao kung nagbibisikleta sa halip na magmay-ari ng kotse, ayon sa pag-aaral noong 2021 na nakatutok sa Metro Manila at isinapubliko bilang dokumento na pinamagatang "Bikenomics: Assessing the Value of Cycling in the Philippines".

News Image #1


Lumabas din sa pag-aaral na kung 5% ng mga biyahe sa loob ng Metro Manila ay sa pamamagitan ng bisikleta, ang lipunan ay makakatipid sa kalusugan ng PHP738, 3233,677.92 taun-taon.

Upang maipaalala ang kabutihan ng pagbibisikleta, nagsagawa ang Taguig ng National Bicycle Day noong Nobyembre 26 na dinaluhan ng napakaming siklistang Taguigeño.

News Image #2


Nagsimula ang parada ng mga bisikleta ng alas 6:30 ng umaga.

Isinara ang isang bahagi ng C6 Road Northbound mula sa Lower Bicutan hanggang Baybreeze mula alas 5:30 hanggang 7:00 ng umaga parq sa community bike parade.


Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, kung ang mga tao sa Metro Manila ay nagbibisikleta, makakabawas ito ng 2.7 kilogram ng ibinubugang carbon emission sa hangin.

News Image #3


Kung maipapalit ang 5% ng biyahe sa sasakyan sa pagbibisikleta, maaaring makabawas ng 57, 000 tonelada ng carbon emission sa hangin sa bawat taon.

(Photos by DENR)