Naka-online na ang pag-a-apply at pagre-renew ng business permit sa Taguig City.

Hindi na kailangang pumila para makapagparehistro, makapag-renew at mapabago ang ilang may kinalaman sa business permit sa pamamagitan lamang ng pag-access sa Electronic Business Permit Licensing System o eBPLS. Narito ang website na pupuntahan: https://eservices.taguig.gov.ph/

News Image #1

(Larawan ng Taguig PIO)

Ayon sa Taguig Business Permit and Licensing Office, ang mga magpaparehistro ng kanilang bagong negosyo ay kailangang magtungo lamang sa website na nasa itaas at mag-login.

Magtungo sa Business Permit portal at punan ang mga kinakaangan para sa aplikasyon. Ilagay rin ang kinakailangang attachments.

Hintayin ang Notice of Assessment at saka bayaran ang kinakailangan sa LandBank o sa UPay Unionbank.

I-download ang business permit kapag available na ito.


Sa mga magre-renew naman ng business permit, mag-log in lamang sa kasalukuyang account sa website na nasa itaas.

Magtungo sa Business Permit portal at piliin ang negosyong ninanais na i-renew.

Isumite ang mga kinakailangang impormasyon at hintayin ang Notice of Assessment.

Bayaran ang mga kinakailangang fees sa payment methods na nasa website: Landbank o UPay Unionbank.

Kapag nakabayad na, i-download ang business permit kung handa na ito.

Para naman sa mga may nais baguhin sa kanilang business permit, mag-login sa website ng eBPLS at magtungo sa Business Permit portal, piliin ang negosyong nais na may gawing pagbabago.

Punan ang form at bayaran ang mga kinakailangan sa available payment method ng Landbank o UPay Unionbank.

Idownload ang business permit kapag ito ay handa na.

Narito naman ang gabay para sa pagbabayad:

Sa pamamagitan ng LandBank: Mag-log-in sa https://eservices.taguig.gov.ph/.

Tingnan ang nakarehistrong negosyo at i-check ang transaction status.

Kapag nakitang nakalagay sa status ay "For Payment," magtungo sa Bill Information section at basahin ang detalye ng billing.

Piliin ang LandBank bilang payment channel. Kapag nakabayad na, hintayin ang Acknowledgment Receipt na nagkukumpirma sa pagbayas.

Idownload ang business permit makalipas ang pagbabayad.

Samantala, kung magbabayad naman sa UPay, maglog-in sa inyong account https://eservices.taguig.gov.ph/.

Tingnan ang inyong nakarehistrong negosyo at k-check ang transaction status.

Kapag nagpakita ang status na: "For Payment," magtungo sa Bill Information section at i-review ang detalye ng billing. Magbayad sa pamamagitan ng UPAY Unionbank at hintayin ang Acknowledgment Receipt.

Maaari namg i-download ang business permit kapag ito ay handa na.

Kung may katanungan, reklamo o suhestiyon sa bagong pamamaraan ng pagbabayad ng business permit, maaaring magtungo sa https://bit.ly/TaguigInfoOnlineSupport.