Maayos at matagumpay ang isinagawang pagbubukas ng klase para sa school year 2024 to 2025 sa Taguig City noong Hulyo 29, 2024.

News Image #1


Isang soft opening ang isinagawa noong Sabado sa mga pampublikong paaralan sa Taguig kung saan nagpamigay na ng mga libreng uniporme at gamit sa eskwelahan para sa mga estudyante ang Pamahalaang Lungsod.

News Image #2


Mahigit sa 190, 000 ang mga estudyante sa 52 pampublikong eskwelahan ng Taguig.

Pinasalamatan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng Department of Education - Taguig pateros ang lahat ng kanilang kapartner, kasama ang mga magulang, estudyante at guro, sa matagumpay na pagbubukas ng klase, gayundin sa pagtulong sa isang linggong Brigada Eskwela bago nagbukas ang klase.

Ang Brigada Eskwela ay isang pagtutulungan ng pag-aayos at paglilinis ng mga pampublikong eskwelahan upang matiyak na ligtas at maayos ang pag-aaralan ng mga bata.

Noong nakaraang Sabado ay nagtungo si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa CP Sta. Teresa Elementary School at Upper Bicutan National High School para mamahagi ng mga libreng uniporme at gamit sa pag-aaral.

News Image #3


Noong Lunes naman ay sa Western Bicutan National High School at Tenement Elementary School nagtungo ang alkalde.

Para naman sa mga nagnanais na ipaayos ang kanilang uniporme, may libreng alteration service sa bawat paaralan sa Taguig upang matiyak na maayos ang sukat ng mga uniporme sa estudyante. Maaaring punan ang form na ito para makakuha ng naturang libreng serbisyong pagpapaayos ng uniporme.

https://bit.ly/SchoolUniformAlterationForm

Para naman sa mga nagnanais na magbigay ng komento at suhestiyon kaugnay ng mga uniporme at mga pinamigay na kagamitan, maaaring sumulat sa feedback form na ito.

https://bit.ly/DistributionOfSchoolUniforms2024FeedbackForm
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)