Libre ang pagdaan sa mga expressways ng San Miguel Corporation sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon at sa mismong selebrasyon ng mga okasyong ito.
(Larawan ni Vera Victoria
Sinabi ng San Miguel Corporation (SMC) na sa pamamagitan ng SMC Infrastructure, wala munang sisingilin na toll fees sa mga expressways na hinahawakan nito mula alas Disyembre 24 ng alas 10:00 ng gabi hanggang kinabukasan ng alas 6:00 ng umaga, Disyembre 25, 2024.
Gayundin ang mangyayari sa bisperas ng Bagong Taon sa Oktubre 31, 2024 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Enero 1, 2025.
Ang mga tollways ng SMC ay nasa NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)
Pagdaan sa Expressways na Pinatatakbo ng SMC, Libre ang Bayad sa Toll | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: