Naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Araw ng mga Patay na kilala ring Undas sa mga sementeryo sa Taguig City.
Sa pag-iikot ng Taguig.com, organisado, ligtas at handa ang lahat ng mga reresponde sa anumang emergency sa mga sementeryo ng Taguig simula pa noong Oktubre 28, 2024 hanggang ngayong Nobyembre 3, 2024.
Mayroong mga command post at information desks sa lahat ng mga sementeryo samantalang may mga teams din na umaasiste sa lahat ng mga bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ngayong Nobyembre 3, ang mga bukas na sementeryo at ang kanilang oras ng operasyon ay ang sumusunod:
• Bagumbayan Catholic Cemetery - 6:00 am hanggang 6:00 pm
• Imam Moh Kusin Memorial Park - 6:00 am hanggang 5:00 pm
• Aglipay Cemetery - 6:00 am hanggang 5:00 pm
• Hagonoy Catholic Cemetery - 6:00 am hanggang 8:00 pm
• Tuktukan Cemetery - 6:00 am hanggang 8:00 pm
• Tipas Roman Catholic Cemetery - 6:00 am hanggang 6:00 pm
• Libingan ng mga Bayani - 6:00 am hanggang 10:00 pm
• Heritage Park - 5:00 am hanggang 8:00 pm
• Garden of Memories Memorial Park and Chapels, Inc. - 6:00 am hanggang 7:00 pm
Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na bawal ang magdala o uminom ng alak sa mga sementeryo ng Taguig, bawal manigarilyo o mag-vape, bawal magdala ng baril at matatalim na bagay, bawal ang malakas na pagpapatugtog, bawal magsugal, at bawal magdala ng mga kemikal o anumang makakasunog.
Kung may nais ireport na hindi kanais-nais na pangyayari, maaaring tumawag sa Command Center ng Taguig sa (02) 8789-3200, Taguig Rescue sa 0919.070.3112 o sa Taguig PNP sa (02) 8642-3582 / 0998.598.7932.
(Mga kuha ni Dexter Terante)
Paggunita sa Araw ng mga Patay sa Taguig City, Naging Mapayapa sa Pangkalahatan Batay sa Pag-iikot ng Taguig.com | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: