Nagsagawa ng pagsasanay para sa Paghahanda sa Sakuna para sa Bonifacio Global City Estates Association (BGCEA) ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Taguig City Satellite Office sa SM Aura Tower, Bonifacio Global City (BGC), Taguig noong Hunyo 21, 2024.

News Image #1


Ang pagsasanay ay naglalayong mabawasan ang epekto ng mga sakuna sa mga negosyo at sa pang-araw araw na buhay ng mga Taguigeños sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, handa lagi ang Taguig City sa anumang sakuna o emergency dahil epektibo ang mga ipinatutupad nitong programa.

News Image #2


"I am really proud po of our team. Makailang ulit po sa ilang mga assessments na ginawa po ng mga National Government Agencies sa mga Local Government Units in the country and the National Capital Region, lagi pong maganda ang rating ng ating pong team. Patunay po 'yan sa commitment natin to really make sure that we continue to strive to achieve that vision to be a truly Transformative, Lively, and Caring City," ayon kay Cayetano.

Kabilang sa mga tinalakay sa pagsasanay ang mga paghahanda sa matinding bagyo o anumang may kinalaman sa lagay ng panahon, Emergency Operational Framework, pagpapa-aktibo sa Emergency Office Centers, ang mga tungkulin ng mga task groups sa panahon ng emergency, at ang tungkulin at silbi ng Taguig Open Weather & Environmental Reporting System (TOWER).

Tinuruan din ang mga dumalo sa pagsasanay kung paano maglapat ng first aid at hands-only basic Cardiopulmonary Resuscitation o CPR.

News Image #3


(Mga larawan mula sa Taguig PIO)