May bagong patakaran ng paghihigpit ang United States Department of State kaugnay ng kanilang iniisyung visa upang mapanagot ang mga nang-aabuso at hindi makatuwirang nagdedetine ng mga indibidwal sa anumang bahagi ng mundo.
(Larawan mula sa US Visa Service)
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na ito ay bunga ng dumaraming mga dayuhang gobyerno na hindi makatuwirang nagkukulong ng mga indibidwal.
Sa ilalim ng bagong patakaran, maaaring magpatupad ng paghihigpit ang Estados Unidos sa mga nagkukulong ng mga tao sa ilalim ng maling kadahilanan: "the United States may impose visa restrictions on individuals involved in detaining people under false pretenses for illegitimate purposes, providing discriminatory treatment based on the detainee's nationality, or violating the detainee's fundamental freedoms, among other concerns," ang nakasaad sa bagong patakaran ng US sa kanilang pag-iisyu ng visa.
Maaari ring madamay ang mga miyembro ng pamilya ng mga gumagawa ng maling hakbangi na ito.
Binigyang diin ni Blinken na ang mga tao ay hindi dapat gamitin para sa mga negosasyon o isailalim sa mapang-abuso hindi makatuwirang detensyon.
Blinken emphasized that people should never be used as tools for negotiation or subjected to abusive or unjust detentions.
"We remain committed to working with our global partners to advocate for the release of all individuals detained in wrongful, abusive, or unjust ways," ang dagdag pa ni Blinken.
Paghihigpit sa Visa, Ipinatutupad ng US sa mga Hindi Makatuwirang Negdedetine ng Indibidwal | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: