Nagharap na ng kanyang kandidatura para sa pagka-Kongresista ng Distrito ng Taguig at Pateros si dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa tanggapan ng Commission on Elections - National Capital Region sa Greenhills, San Juan City kahapon, Oktubre 3, 2024.

News Image #1


Si Cayetano ay tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People's Coalition (NPC) subalit tiniyak niyang buo ang kanyang suporta kay Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Makakalaban ni Cayetano ang kasalukuyang representante ng Taguig-Pateros na si Congressman Ricardo "Ading" Cruz na tatakbo sa ilalim ng partido ni Mayor Lani Cayetano.

News Image #2


Sa kanyang paghaharap ng kandidatura, tiniyak ni Lino Cayetano na isusulong niya na magkaroon ng sariling legislative district ang sampung Enlisted Men's Barrio (EMBO) barangays na nanggaling sa Makati City at nailipat na sa Taguig City.

"On my first day in Congress, I will fight for EMBO's own legislative district. Kailangang hong may sariling legislative district ang EMBO na napapaloob at yayakapin ng mga Taguigeno. But the 10 barangays of EMBO, I believe, should be the 3rd district of Taguig," ang pahayag ni Cayetano sa media.

"Let's give equal and proper representation to District One and Two. By having a new district for Embos buo pa din ang boses ng District 1 at District 2 at sa ganon, magkaroon ng sariling distrito at boses ang mga taga EMBO. Sa Kongreso ay ganoon din - EMBO can have its own representative in Congress (and pave the way for Pateros one day)," ang post naman ni Cayetano sa kanyang Fcebook Page: Lino Cayetano.

(Larawan mula sa Facebook Page: Lino Cayetano)