Ibinasura ng Commission on Elections Election Registration Board (Comelec-ERB) sa Taguig City ang aplikasyon ni dating Taguig City Congressman at Mayor Lino Cayetano, at gayundin ang sa asawa nitong si Fille Cayetano, para mailipat ng kanilang voter registration records sa congressional district ng Taguig-Pateros o District 1.
Ayon sa Comelec-ERB, nabigo ang mag-asawang Cayetano na masunod ang residency requirement dahil sa pagkakaiba sa nakalagay sa kanilang pasaporte.
Sa 24 na pahinang desisyon ng Comelec-ERB, sinabi nitong nag-apply para sa paglilipat ng kanilang voter registration noong isang buwan ang mag-asawa kung saan inilagay nilang sila ay nakatira sa Pacific Residences sa Barangay Ususan ng mga dalawang taon at limang buwan na.
Gayunman, sa isinumiteng dokumento ng mga ito, kabilang ang pasaporte, inilagay ni Fille na ang kanyang pasaporte ay inisyu noon pang Nobyembre 2018 samantalang ang kay Lino naman ay inisyu noong Oktubre 2021.
"Both documents were issued well in advance of their purported transfer to Pacific Residence in 2022. As a result, the passports fail to substantiate their assertion of their current address. At best, the passports serve to establish their identity rather than their residential address," ayon sa pahayag ng Comelec-ERB na nakasaad sa desisyon.
Sinabi rin ng Comelec-ERB na hindi na nagsumite ang mag-asawang Cayetano ng dagdag na identification documents na nagpapakita ng kanilang personal na detalye at address para masuportahan ang kanilang aplikasyon.
"The Board maintains that an individual residing in a particular locality for a period exceeding two years should be capable of procuring and furnishing an alternative identification document to substantiate their address," ayon pa sa Comelec-ERB.
Ang isinumiteng utility bill at security logbook ng mag-asawang Cayetano ay para lamang sa Oktubre 2024 at kulang sa pagpapatunay na matagal na silang nakatira sa ibinigay nilang address.
Samntala, ayon naman sa mga opisyal ng Barangay Ususan, walang naka-record sa kanila na nakatira si si Lino Cayetano sa lugar, samantalang isang opisyal naman ng barangay sa Fort Bonifacio ang nagsabing sa kanilang lugar nakatira ang mag-asawang Lino at Fille Cayetano.
Kinwestiyon din ng Comelec-ERB ang maling address na inilagay sa aplikasyon para sa voter's transfer of records dahil sa halip na Almond Street, ang nakalagay doon ay Accord Street.
"The Board contends that if the Applicants had truly resided at Pacific Residences for over two years, they would have no difficulty distinguishing between Almond Street and Accord Street. Given their long-term familiarity with the area, it is improbable they would struggle to provide their address accurately. Their inability to do so raises doubts about their claims of residency," ang pahayag ng Comelec-ERB.
Pinuna rin ng Comelec-ERB ang pagboto ng mga aplikante sa Barangay Fort Bonifacio sa nakaraang Barangay ay Sangguniang Kabataan Elections at ang patuloy na pagrerenta sa isang condominium unit s Bonifacio Global City.
"It is crucial to emphasize that an individual can hold only one residence or domicile at any given time. For the Applicants, this clearly appears to be Barangay Fort Bonifacio," dagdag pa ng Comelec-ERB.
Inihayag naman ni Lino Cayetano na iaapela niya ang desisyong ito ng Comelec - ERB.
"I have every right to transfer our registration for to the First District of Taguig and Pateros. Our family is from the First District of Taguig and Pateros. My father grew up in Pateros and all of us siblings were registered voters of District 1. Fille and I have hd a house in Ususan since 2019 when I was Mayor of Taguig City," ayon sa opisyal na pahayag ni Cayetano.
Idinagdag pa ni Cayetano sa kanyang public post sa Facebook na hindi siya titigil sa laban kahit abutin pa ito sa Kataas-taasang Hukuman.
Si Lino Cayetano ay tumatakbo bilang Kongresista sa District 1 ng Taguig City kung saan ang pangunahing kalaban nito ay ang kasalukuyang Kongresistant si Ricardo "Ading" Cruz na sinusuportahan naman ng hipag nitong si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Paglipat ng Voter's Registration ng Mag-asawang Lino at Fille Cayetano, Ibinasura ng Comelec-ERB; Tiniyak naman ni Cayetano na Hindi Siya Titigil sa Laban | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: