Malaki ang kontribusyon ss kultura at kasaysayan ng Pilipinas ng Taguig City.
Ito ay makikita sa mga mahusay na napreserbang makasaysayang lugar na may mahalagang kuwento tungkol sa Probinsyudad.
Kabilang sa mga makasaysayang atraksyon ang Dambanang Kawayan sa Barangay Ligid-Tipas. Ito ay sentro ng digmaan noong panahon ng Hapon.
Ang Archdiocesan of Saint Anne naman sa Liwayway Street Barangay Santa Ana ay ginawa noong 1587, nasira ng lindol noong 1645 at muling ginawa noong 1848. Nasira muli ng lindol at ginawa muli noong 1896.
(Larawan mula sa Minor Basilica Saint Anne Taguig)
Ilan lamang ito sa mga bahagi ng kultura at kasaysayan ng Taguig City na imamapa sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Isinagawa na ang Phase 1 at 2 ng Taguig Cultural Mapping Project sa Kalayaan Hall ng SM Aura Office Tower noong Hunyo 7. 2024.
Kasama rito ang Scoping, Orientation, at Social Preparation para sa proyekto.
Tumutlong ang NCCA Cultural Mapping Program sa pagkilala at paglista ng mga kultural na pag-aari ng Taguig City.
Layunin nito na maitala ang mga natatanging cultural resources ng komunidad, magkaroon ng interes sa mga pamanang kultura, at makapagdevelop ng heritage conservation council sa pamamagitan ng mahahalagang data at makapaggawa ng mga batas upang maprotektahan ang mga lokal na yamang kultura.
Sa mensahe ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, hinikayat noto ang mga opisyal ng barangay at department heads ng siyudad na bigyang prayoridad ang programa upang mapreserba ang kasaysayan at kultura ng siyudad.
"Nagpapasalamat po ako sa NCCA sa kanilang pagparito at pagbigay ng kanilang napakahalagang oras at atensyon. Sana po suklian natin ito sa pamamagitan ng masigasig nating partisipasyon. Ang pagmamahal sa ating barangay at lungsod ay mahalaga na makita sa pangangalaga natin sa ating kasaysayan," ayon kay Cayetano.
Pagmamapa ng mga Makasaysayang Lugar at Pamanang Kultura sa Taguig, Isinasagawa na ng Lokal na Pamahalaan at NCCA | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: