Pinaigsi ang ruta ng Pagoda sa Ilog at binawasan din ang dami ng lumahok dito subalit naging masaya pa rin ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Santa Ana sa pamamagitan ng Pagod sa Ilog at Pagoda sa Daan sa Barangay Santa Ana Taguig City kahapon, Hulyo 26, 2024.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang pagpapaigsi ng ruta at pagkontrol sa mga lumahok ay bilang paniniguro lamang sa kaligtasan ng lahat bunga ng panaka-naka pa ring pag-ulan sa gitna ng habagat.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ngayong umaga naman, Hulyo 27, 2024, ay isasagawa ang Karera ng mga Bangka bilang bahagi ng Taguig River Festival na parte pa rin ng selebrasyon ng kapistahan ni Santa Ana.
Pinangunahan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Saint Anne at ni Taguig City Mayor Lani Cayetano kasama ang mga opisyal ng Probinsyudad ang selebrasyon sa ilog kung saan ipinarada ang imahe ng patron saint ng Taguig.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ang sinakyang float sa ilog ng imahe ni St. Anne ay dinisenyo ng mga mangingisda, kanilang pamilya at iba pang grupo sa komunidad.
(Larawan ni Dexter Terante)
Isang Pagoda sa Daan din ang isinagawa kung saan pinrusisyon ang imahe ni Santa Ana.
Isinagawa rin ang Indakan sa Daan na pinangunahan ng marching band at mga kabataang nagsayawan.
(Larawan ni Dexter Terante)
Ang tradisyonal na "pasubo" o palitan ng mga prutas at mga kakanin bilang simbolo ng pagbibigayan ay nasaksihan din.
(Larawan ni Dexter Terante)
Nagsagawa rin ng Misa at parangal kay Santa Ana sa Minor Basilica.
(Larawan ng Taguig PIO)
Nagtapos ang selebrasyon noong Biyernes ng gabi sa isang fireworks display na isinagawa sa Pulong Kendi, sa Taguig River
(Larawan ni Dexter Terrante)
Ang Taguig River Festival ay taunang isinasagawa kasabay ng piyesta ni Santa Ana.
Sa pamamagitan ng kasiyahan ay ipinakikita ng mga Taguigeños ang kanilang pasasalamat sa patrong santo ng Probinsyudad para sa mga biyayang kanilang natanggap.
(Mga larawan ni Dexter Terante)
Pagoda sa Ilog at Daan, Matagumpay na Naisagawa sa Kapistahan ni Santa Ana | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: