Ipinagmalaki ng Local Building Office (LBO) ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pagtaas ng pagpapalabas nila ng mga building permits ng 23.7% ay gayundin ng occupancy permits na tumaas ng 48.04%.
Sa isinagawang selebrasyon ng 25th National Building Management Industry Week, sinabi ni Engineer Romeo Cabigting ng LBO Civil Structura Section na may natanggap na rin silang mga bagong aplikasyon para sa pagtatayo ng mga istraktura sa 10 EMBO (Enlisted Men's Barrios) barangays.
Kabilang naman sa mga nakumpleto nang imprastraktura at pagpapaganda at pagpapatibay na kanilang nagawa ay ang Convention Center sa Bagong Taguig City Hall sa Barangay Ususan, Taguig Community Center sa Barangay Bagumbayan, Center for the Elderly sa Barangay North Signal, Center for Disaster Management sa Barangay Central Signal, pitong palapag na school building ng R.P. Cruz, Sr. Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan,
Barangay Ibayo-Tipas Multi-Purpose Building, tatlong palapag na Barangay Santa Ana Multi-Purpose Building, tatlong palapag na Barangay Sana Ana Multi-Purpose Building, ang Multi-Purpose Building ng Barangay Calzada ay ang inayos na wheelchair ramps sa Taguig City Hall sa Barangay Tuktukan.
Ipinatutupad din ng LBO ang National Building Code o Presidential Decree 1096 at ang Accessibility Law o Batas Pambansa Number 344.
Sa ilalim ng mga batas na ito ay patuloy na iniinspeksyon ng LBO ang lahat ng mga kasalukuyan nang nakatayo at ginagawa pa lamang ng mga pasilidad. Ang mga malalaki at matataas na gusali rin ay tinitiyak na may earthquake detectors.
(Photos by Taguig PIO)
Pagpapalabas ng Building at Occupancy Permits ng LBO, Mas Mabilis Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: