Hindi na kailangang pisikal na magtungo sa tanggapan ng
Department of Trade and Industry (DTI) para magparehistro ng negosyo.
Sa pamamagitan ng Business Name Registration System (BNRS) ang aplikasyon para sa Business Name Registration ay 100% online na.
Kabilang sa online business name registration ang para sa mga bagong negosyo, renewal at sertipikasyon ng negosyo.
Magtungo lamang sa https://bnrs.dti.gov.ph/ para makapagpa-rehistro.
Ang business name ay anumang pangalan na iba kaysa sa tunay na pangalan ng indibidwal na gagamitin para sa negosyo nito.
(Mga larawan mula sa DTI)
Pagpaparehistro ng Negosyo sa DTI, 100% Online Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: