Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na patatatagin nila ang mahigit 50 taon nang Guadalupe Bridge sa EDSA-Makati City sa nalalapit na panahon at posibleng tumagal ang paggawa ng 34 na buwan.
(Larawan ni T. Encarnacion)
Gayunman, hindi nila sisimulan ito, ayon kay DPWH Undersercretary Maria Catalina Cabral, kung hindi pa naisaayos ang extension lanes sa EDSA upang maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko kapag sinimulan na ang retrofitting ng Guadalupe Bridge.
"We are not repairing Guadalupe Bridge but strengthening it. So, we are expanding the capacity of EDSA on both sides before we strengthen the innermost part of the bridge. The extension will add carrying capacity before we touch the Guadalupe bridge," ayon kay Cabral sa isinagawang Build Better More (BBM) Infrastructure Forum sa New Clark City, Capas, Tarlac kamakailan.
Gawa na ang disensyo ng proyekto at nakikipag-usap na lamang sila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maisaayos ang plano para sa trapiko.
Tinatapos na rin ngayon ang konstruksyon ng koneksyong daan sa North Luzon Expressway patungong Skyway upang may alternatibong dadaanan ang mga motorista sa halip na sa EDSA kung patungong katimugang Metro Manila at lalawigan mula sa norte.
Ang pagpapatibay o retrofitting ng Guadalupe Bridge ay bilang paghahanda sakaling lumindol ng napakalakas sa Metro Manila, makaraang ilabas ng Japan International Cooperation Agency na ang West Valley Fault hinog na upang gumalaw ng hanggang Magnitude 7 na lindol anumang oras.
Pagpapatibay sa Guadalupe Bridge, Kailangang Gawin na Dahil Ayon sa JICA, Hinog na ang West Valley Fault Para sa "Big One" | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: