Isa pang makasaysayang kasunduan ang nilagdaan ng Taguig City at mga nasa larangan ng medisina sa Singapore sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City kahapon, Agosto 16, 2024, upang pangalagaan naman ang kalusugan ng mga nanay at bata.
Nakipag-partner ang SingHealth Duke-NUS Maternal and Child Health Research Institute (MCHRI) na pinangungunahan ng KK Women's and Children's Hospital (KKH) Singapore, sa Taguig City upang mas mapaunlad pa ang serbisyong pangkalusugan sa mga ina at anak ng mga ito.
Ang pagtutulungan ay nakatuon sa pagpapaunlad ng mga pangunahing kinakailangan sa pangangalaga sa kalusugan tulad ng pagpa-plano sa imprastraktura at pagpapaunlad ng mga pasilidad para sa maternal at child health sa Taguig City.
Kabilang dito ang mga pagsasanay, palitan ng kaalaman, pag-develop ng mga programang pangkalusugan, at magkatuwang na pagsasaliksik o aktibidad na may kinalaman sa siyensya.
"We are also excited to work with Temasek Foundation and KK Women's and Children's Hospital to learn, innovate, and develop together. This collaboration will not only enhance our capacity to deliver quality healthcare but also help us adopt best practices and innovative solutions that have been successful in Singapore," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano makalipas ang isinagawang lagdaan ng kasunduan.
Sumaksi rin sa lagdaan ang Minister for Health ng Singapore na si Ong Ye Kung.
"The Taguig City and Barangay Health Centres will share their understanding and insights into local needs. With a 1.2 million population, there is great disparity. I can imagine how challenging that would be, and in that way your partners can design targeted and effective health interventions. The City and Health Centres would also work closely with PhilHealth to translate policy into programme implementation. Very importantly, they will help secure funding for all the initiatives," ang pahayag naman ni Minister Ong.
Sinimulan na ng mga eksperto sa kalusugan mula sa KKH at MCHRI ang kanilang pagbisita sa Taguig City noong Huwebes, Agosto 15, 2024.
Ang KK Women's and Children's Hospital sa Singapore ang pinakamalaking tertiary referral center para sa obstetrics at gynecology, pediatrics at neonatology sa naturang bansa. Ang academic medical center ay nakatuon sa pamamahala ng high-risk na kondisyon ng mga bata at kababaihan.
Ang SingHealth Duke - NUS Maternal and Child Health Research Institute naman ay ang pinakamahusay na sentro ng pagsasaliksik kaugnay ng kalusugan ng mga kababaihan at bata sa Singapore.
(Mga larawan mula sa Facebook Page: Lani Cayetano)
Pagpapaunlad sa Pangangalaga sa Kalusugan ng mga Bata at Ina, Napagkasunduang Pagtulungan ng Taguig City at ng Medical Institution sa Singapore | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: