Dalawang libo, isandaan at dalawampu't tatlong estudyante ng Taguig City University (TCU) ang kabilang sa mga nagmartsa sa ika -18 Commencement Exercises ng naturang paaralan sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Panauhing pandangal si Eugenio "Boy" Abunda, Jr., isang talk show host, na nagbigay ng payo sa mga bagong graduate na huwag pabayaang sabihin ng ibang tao kung sino sila.
"The most important person in the world is the person in front of you. And what is the most important thing to do if you can: help. When are you supposed to do it? Not tomorrow but today," ayon kay Abunda.
Ayon pa kay Abunda, hindi niya hinayaang panghinaan siya ng loob nang sabihin ng isang kaibigan na hindi matutupad ang pangarap niyang maging TV host dahil sa kanyang pagsasalita, sa pagiging bakla at dahil sa kanyang itsura.
Sa ngayon, si Abunda ay isa sa pinakasikat na television hosts sa bansa. "Do not allow anyone to tell you who you are. Show them who you are. Do not allow anyone to count you out because you are the only one who can count yourself in. Do not allow anybody to tell you what you can do because you are the only one who can do that. Do not allow anybody to ever define who you are. That right does not belong to anyone," dagdag pa ni Abunda.
Sinabi naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang pangarap niya para sa mga nagsipagtapos sa Taguig City University ay maging matapang at pangarapin ang isang mahusay at kakaibang buhay.
Sa post ni Cayetano sa kanyang Facebook Page, sinabi nitong "taos-pusong pasasalamat sa pagpapaunlak ng ating commencement speaker na si Dr. Eugenio "Boy" Abunda Jr. na nagbahagi ng isang powerful speech. Ito ay nagbigay inspirasyon hindi lamang sa ating mga graduates kundi sa lahat ng mga panauhin. Dalangin ko na gabayan ng PANGINOON ang mga nagsipagtapos. Pagkalooban sila ng determinasyon na matupad ang magagandang mithiin nila sa buhay."
(Mga larawan mula sa Facebook page: Lani Cayetano)
Pagtatapos ng 2,123 Estudyante ng Taguig City University, Dinaluhan ng Popular na Talk Show Host na si Boy Abunda | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: