Hindi na matutuloy ang pagtatayo ng Judicial Complex para sa Korte Suprema sa Mckinley Hill sa Taguig City.
Ito ay makaraang makakuha ang Supreme Court (SC) ng 25 ektaryang lupa sa Bulacan na donasyon ng San Miguel Aerocity Incorporated (SMAI).
(Larawan ng SC)
Sinabi ni SC Associate Justice Jose Midas Marquez na ang lupa ay nasa Barangay Bambang sa Bulacxan, Bulacan, at dito rin itatayo, hindi lamang ang gusali ng SC, kung hind imaging ang Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals. Sisimulan ang konstruksyon nito sa susunod na taon o sa 2026.
Ang lupa ay bahagi ng 100 ektaryang donasyon ng SMAI, ang kumpanya ng imprastraktura ng San Miguel Corporation, sa pamahalaan para sa Government Center sa Bulacan.
Ang SMAI ay may kasunduan sa pamahaalan para sap ag-de-develop, kosntruksyon, operasyon at pagmamantina ng New Manila International Airport (NMIA).
Pagtatayo ng Judicial Complex sa McKinley Hill Taguig, Hindi na Matutuloy | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: