Pansamantalang isinasara ang Palar Tunnel ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng umaga simula noong Hulyo 22, 2024 na magtatagal hanggang Oktubre 17, 2024.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Ito ay upang bigyang daan ang proyekto ng Manila Water na Long-Term East 3 Water Supply Line.

Mahigit 4, 000 metro ng tubo ang ilalagay mula Palar hanggang Sapang Viejo.

Dahil sa pagsasara ng Palar Tunner bunga ng Manila Water Project, ang mga sasakyang pa-timog patungo sa Cayetano Boulevard ay kailangang mag-U-turn malapit sa C5 EcoPark.

Bukas naman ang isang lane para sa mga sasakyan mula Cayetano Boulevard papuntang Palar at katimugang lugar.

Ang pagsasaayos ng pipeline ay upang matiyak ba magkakaroon ng malakas at sapat na suplay ng tubig ang mga naninirahan at nagnenegosyo sa Taguig.