Bilang pagdiriwang ng National Rural Women's Day sa Oktubre 15, 2024 at ang Rural Women's Month ngayong Oktubre, ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay magsasagawa ng kauna-unahang patimpalak pagandahan at galing ng personalidad na magtatampok sa 18 naggagandahang dilag mula sa iba't ibang opisin ng DAR sa bansa.

News Image #1


Tinawag na Binibining Agraryo 2024, ang proyekto ay pinangungunahan ni DAR Undersecretary Rowena Niña Taduran, DPA (Doctor of Public Administration), ng Support Services Office (SSO) at pinuno rin ng Gender and Development Office, na sinusuportahan naman ng Opisina ng Bureau of Agrarian Reform Beneficiaries Development (BARBD) na nasa ilalim ni Director Eric Arevalo, DPA.

News Image #2


Nilalayon ng Bb. Agraryo 2024 na iangat ang kaalaman sa napakahalagang tungkulin ng mga kababaihan sa repormang agraryo at kung paano nabibigyan ng kapangyarihan ang agrarian reform benefiaries (ARBs), habang kinakatawan ng mga kababaihang empleyado ng DAR ang kanilang mga opisina sa patimpalak-kagandahan.

News Image #3


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang DAR ay magsasagawa ng isang patimpalak-kagandahan na kikilala hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kung hindi maging ang hindi matatawarang serbisyo ng mga kababaihang empleyado ng kagawaran na aktibong nagsusulong ng ikagaganda ng buhay ng mg ARBs.

News Image #4


Sa temang "Ang Babae sa Panahon ng Repormang Agraryo," ang mga kandidata mula sa Rehiyon 1 hnggang CARAGA at ang mga opisina ng SSO, Legal Affairs Office (LAO) at Finance and Management Office (FMAO) mula sa DAR Central Office ay ipapakita ang kanilang angking kagaandahan at talino sa araw ng pre-pageant sa Oktubre 15 at 16, 2024, sa DAR Central Office (DARCO) Gymnasium sa Quezon City.

News Image #5



Ang napiling host ng dalawang araw na preliminaries ay ang News Manager ng Taguig.com na si Marou Pahati-Sarne na isa ring broadcaster sa TV at radyo.

News Image #6


Ang emcees naman sa finals night ay sina Billy Jake Cortez at Riana Pangindian.

Ang koronasyon ng magwawaging Bb. Agraryo 2024 ay isasagawa naman sa Oktubre 17, 2024 sa DARCO Gymnasium. Tatlong runners-up ang tatanghaling Bb. Agraryo-Luzon, Bb. Agraryo-Visayas at Bb. Agraryo-Mindanao.

News Image #7


May espesyal ding mga gantimpala mula sa preliminaries at mga gantimpala mula sa corporate sponsors ang ipagkakaloob sa mga maswerteng kandidata.

News Image #8


Kabilang sa mga kalahok ay ang mga sumusunod:

Region 1 - Pia Ysabelle R. Llacuna
Region 2 - Alodia T. Rivera
Region 3 - Gean Ariane R. Ponce
Region 5 - Precious Joehzhel T. Mortel
Region 6 - Desiree Jane E. Tubaon
Region 7 - Leah Kyra A. Cirunay
Region 8 - Whitney L. Estribo
Region 9 - Johsphine M. Realubit
Region 10 - Hazel D. Paquingan
Region 11 - Leslie Ann C. Carin
Region 12 - Jacqueline Ann C. Bravo
Caraga - Lee Monica Sal Amper
Calabarzon - Jiana Joselle SC De Guzman
CAR - Judy Ann O. Baguiling
Mimaropa - Hazel C. Diego
Legal Affairs Office - Cathyrine B. Lardizabal
Support Services Office - Trisha Mae H. Lavilla
Finance Management and Administration Office - Angelica B. Valenzuela

News Image #9

News Image #10

News Image #11

News Image #12

News Image #13

News Image #14

News Image #15

News Image #16

News Image #17

News Image #18

News Image #19



Sa ilalim ng Proclamation Number 1105 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1996, idineklara ang Oktubre 15 ng bawat taon bilang "National Rural Women's Day."

Ang United Nations naman, sa isinagawang 4th UN World Conference on Women sa Beijing, China noong 1995, ay idineklara ang katulad na araw bilang World Rural Women's Day, upang bigyan ng importansya ang dati ay hindi kinikilalang kontribusyon ng mg kababaihan sa kanayunan sa seguridad sa pagkain at sa kaunlaran ng kanayunan.

-30-