Ginawaran ng parangal ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng Transformative Social Impact Award sa isinagawang Clients Appreciation Night ng AC Health sa Ayala Museum, Makati City kamakailan.
(Larawan mula sa AC Health)
Personal na tinanggap ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang naturang pagkilala mula kay AC Health President at CEO Paolo Borromeo at ng iba pang mga opisyal nito.
Kabilang din sa mga dumalo sa gabi ng parangal sina Fernando Zobel de Ayala, Bong Consing na presidente at CEO ng Ayala Corporation at Vice-Chairman ng AC Health, Jaime August Zobel de Ayala at ang presidente at CEO ng AC Mobility na si Jaime Alfonso Zobel de Ayala.
Nagsalita naman si Dr. Beverly Lorraine Ho, chief medical officer ng AC Health kaugnay ng mga kasalukuyang trend sa pangangalaga sa kalusugan at ang best practices sa corporate health solutions.
Kinilala ng AC Health ang mga kapartner nito sa pagsusulong ng makabagong pamamaraan ng pangangalaga sa kalusugan.
Pamahalaang Lungsod ng Taguig, Ginawaran ng Parangal sa Gabi ng Pagkilala ng AC Health | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: