Nakahanda ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa mga kaganapan kaugnay ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Enteng at ng pinalakas na Habagat.



Kahit suspendido ang trabaho sa gobyerno, patuloy sa pag-monitor mula sa Taguig City Hall si Mayor Lani Cayetano at ang City Social Welfare Department team na pinamumunuan ni Nikki Rose Operario.

News Image #1


Umikot naman ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) team upang magresponde sa mga bumagsak na mga puno o sanga dahil sa bagyo. Masigasig din ang Flood Management Office (FMO) sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig at mga kanal upang matiyak na mapipigilan ang pagbabaha sa lungsod.

News Image #2


"Nais kong ipaabot sa ating mga frontliners ang pasasalamat sa masigasig nilang pangangalaga sa ating Probinsyudad. Sa gitna ng pagharap natin sa Bagyong Enteng, nakita muli ang paghahanda ng mga evacuation center sakaling kailanganin ng ating mga kababayan ang matutuluyan at pagresponde ng Lokal na Pamahalaan sa mga nakitang mga sitwasyon at mga idinulog ng ating mga kababayan," ang pahayag ng alkalde sa kanyang post sa kanyang sariling Facebook Page na Lani Cayetano.

Ipinaalala rin ni Cayetano na maaaring makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mga sumusunod na numero kung kailangan ng tulong:

COMMAND CENTER
(02) 8789-3200
TAGUIG RESCUE
0919-070-3112
PNP
(02) 8642-3582
0998-598-7932
TAGUIG BFP
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919

(Mga larawan mula sa Lani Cayetano Facebook Page)