Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay ng Pamaskong Handog sa mga mamamayan ng EMBO (Enlisted Men's Barrios) barangays noong Disyembre 13, 2023.

News Image #1


Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamimigay ng Pamaskong Handog na pang-noche buena sa bawat bahay na may senior citizens, persons with disabilities at buntis sa Barangay Rizal.

News Image #2


Sinimulan na rin ipamigay ang mga claim stubs ng Pamaskong Handog para sa iba pang mga mamamayan sa Barangay Rizal.

Susunod na rin sa bigayan ng Pamaskong Handog tickets ang iba pang mga barangay sa EMBO bago dumating ang Pasko.

Ang bawat Pamaskong Handog ay may lamang 10 kilo ng bigas, 3 meat loaf, 2 malaking corned beef, 1 hotcake mix, isang kahon ng keso, 1 gatas, 1 fruit cocktail, 1 pakete ng biscuit, at 1 kilo ng spaghetti pasta at sauce.

News Image #3


Efren Nero, a 71-year-old resident, expressed his thanks, especially appreciating the convenience of the house-to-house delivery, sparing him and his wife from traveling to collect their Noche Buena package.

"Salamat po at house-to-house naibigay po sa amin, hindi na po namin kailangan umalis sa bahay para makatanggap ng ganitong regalo," ang sinabi ni Efren Nero, isang 71 taong gulang na residente ng Barangay Rizal na nabigyan ng personal ng Pamaskong Handog ni Cayetano.

News Image #4


Sinabi naman ni Rosalie Rabena, isang person with disability, na natuwa siya na binuhat pa papasok ng kanilang bahay ang kanyang natanggap na Pamaskong Handog at hindi na niya kinailangang pumila pa.

Ang bawat pamilyang Taguigeño ay makakatanggap ng Pamaskong Handog package.

(Larawan mula sa Taguig PIO)