Simula sa Linggo, Oktubre 8, ang minimum na pamasahe para sa mga public utility jeepneys sa buong bansa ay magiging P13 na.

News Image #1


Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong pansamantalang pagtataas ng pamasahe upang matulungan ang mga nagmamaneho at nag-o-operate ng mga moderno at tradisyonal na jeepney sa patuloy na tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Mula sa dating P12 minimum fare sa tradisyonal na jeepney, ito ay magiging P13 na. Samantalang ang pamasahe naman sa modern jeepney na P14 ay magiging P15 na.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na ang pagtataas ng pamasahe ay pansamantala lamang habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo lalo na ang krudo na ginagamit ng mga jeepney.

Pinag-aaralan pa ng LTFRB ang petisyon ng mga transport groups na itaas sa P5 ang minimum na pamasahe at dagdagan ng P1 ang bawat susunod na kilometro.

Hindi na kailangang maglabas ng fare matrix, ayon sa LTFRB, dahil pansamantala lamang naman ang pagtataas sa pamasahe.

"As of now, only their provisional remedy is being recognized to address the 11 increases in the prices of gasoline since the start of the year," ayon kay Guadiz.

(Photo by Vera Victoria)