Mas magiging mura ang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan dahil binabaan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level para sa mga domestic at international flights.
(Larawan ni Vera Victoria)
Sinabi ng CAB sa isang inilabas na pahayag, ang cargo fuel surcharge ay inilagay nila sa Level 4 mula Oktubre 1 hanggang 31, 2024, mula sa kasalukuyang Level 5.
Ang fuel surcharge ay idinadagdag sa base fare na maaaring ipasa ng mg airlines sa mga pasahero para makabawi sila sa gastos bunga ng paiba-ibang presyo ng jet fuel. Ina-adjust ng CAB ang fuel surcharges sa paggalaw ng jet fuel.
Sa ilalim ng Level 4, ang passenger fuel surcharge ay maglalaro sa P117 at P342 para sa domestic flights, depende sa distansya, at ang international flights naman na galing sa Pilipinas ay may fuel surcharge na naglalaro sa P385.70 at P2,867.82.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ngayong taon na naibaba sa Level 4 ng fuel surcharge. Ngayong Setyembre na ito ay nasa Level 5 pa, ang domestic flights ay may fuel surcharge na P151 hanggang P542 at ang international flight naman ay may surcharge na nasa P498.03 hanggang P3,703.11.
Kailangang mag-apply muna sa CAB ang mga nagnanais na mangolekta ng fuel surcharges bago ipatupad ito sa Oktubre 1, 2024.
Pamasahe sa Eroplano sa Oktubre, Magmumura; Babawasan ng Fuel Surcharge mula Oktubre 1 hanggang 31, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: