Tatagal pa ng hanggang kalagitnaan ng Mayo ang nararanasang napakainit na panahon sa Pilipinas.
Ngayong araw na ito, Abril 29, 2024, ang heat index sa Metro Manila, kasama ang Taguig City, ay nasa 43 degrees Celsius.
(Art card mula sa PAGASA)
Bukas, Abril 30, tinataya ng PAGASA na aabot ang init aa Metro Manila sa 44 degrees Celsius.
Kinansela na ng Department of Education (DepEd) ang face to face classes sa mga pampublikong paaralan bukas hanggang sa Martes dahil sa matinding init at sa transport strike ng mga jeepney operators at drivers na mga miyembro ng PISTON.
Ipinag-utos ng DepEd na ipatupad ang asynchronous classes o distance learning sa buong bansa sa dalawang araw na nabanggit.
Maging ang mga guro at iba pang staff ng mga pampublikong paaralan sa bansa ay pinayagan ding manatili sa bahay.
Hindi naman kasama sa kautusan ng DepEd ang mga pribadong eskwelahan, subalit maaaring ipatupad din ng mga administrador nito ang katulad na kautusan kung kanilang nanaisin.
Pampublikong Paaralan sa Buong Bansa, Walang Face-to-Face Classes Mula Abril 29 - 30, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: