Malugod na tinanggap nina Senador Alan Peter Cayetano at Taguig City mayor Lani Cayetano ang pangulo ng Singapore kasama ang asawa nitong si Ginang Jane Shanmugaratnam, at ang delegasyon ng mga pangunahing opisyal nito kabilang ang mga Miyembro ng Parliyamento na sina Ginoong Henry Kwek at Binibining Mariam Jaafar, at Ambassador Constance See, ang kinatawan ng Singapore sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Tharman na napakahalaga ng pagbibigay ng pangunahing pansin sa kalusugan ng mga ina at mga sanggol lalo na sa unang dalawang taon ng buhay ng mga ito.
Ayon sa Pangulo ng Singapore, mahalagang magtulungan ang mga magulang, komunidad at nasa medikal na larangan upang matiyak na ang lahat ng mga bata, lalo na ang may panganib na magkaroon ng developmental problems, ay mabigyan ng maayos na pagsisimula sa kanilang buhay.
"The good comes in the doing, not just in policymaking, not just in having a strong enunciation about the importance of this intervention. The good comes in the doing. And that requires partnership. It requires committed partnerships, in your case, the Mayor and the team in Taguig City, KK Women's and Children's Hospital, who has the experts, Temasek Foundation, who is helping to make this possible and everyone else who's involved," ayon kay Tharman.
Ibinahagi naman ni Mayor Cayetano ang mga aktibidad na isinasagawa na ng Pamahalaang Lungso ng Taguig pagdating sa pangangalaga ng kalusugan. Ayon sa kanya, ang kasunduang pinasok ng Taguig City, Temasek Foundation at KK Women's and Children's Hospital ay malakas na simbolo ng kanilang parehong adhikain para mapahusay lalo ang maternal at child health sa Pilipinas.
"As we embark on this journey, you can be assured that Taguig will approach this partnership with the same dedication and determination that have defined our progress over the years. We are always committed when it comes to opportunities that can elevate the standard of living for our people," ayon sa alkalde.
Una rito, nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng mga grupo mula sa Singapore ang dalawang pangunahing kasunduan sa pangangalaga sa kalusugan lalo na ang magpapabuti sa pangangalaga sa mga ina at mga bata na nasa mga mahihirap na lugar sa lungsod.
Ang unang kasunduan ay isang Public-Private-Philanthropic Partnership na pinangungunahan ng CareSpan Asia Inc. at Temasek Foundation, na magbibigay ng maiuugnay ang may 350,000 mga mahihirap na mamamayan ng Taguig sa mga maaaring tumugon sa kanilang problemang pangkalusugan sa pamamagitan ng makabagong Digital Health care platform.
Ang ikalawa naman, sa pakikipagtulungan ng SingHealth Duke-NUS Maternal and Child Health Research Institute (MCHRI), ay magtutuon ng pansin sa pangunahing problema sa kalusugan, pagpa-plano sa imprastraktura at pagsasanay sa mga tauhan sa bahagi ng mga pasilidad para sa maternal at child healthcare.
Sinabi ni Pangulong Tharman na mahalagang ang unang mga taon sa buhay ng isang bata ay mapangalagaan para sa kinabukasan, hindi lamang ng bata, kung hindi maging ng buong ekonomiya at lipunan sa bansa.
(Mga larawan at video mula sa Taguig PIO)