Mahigit 1, 000 mga kabataan na nais magkaroon ng pagkakakitaan ang dumalo sa isinagawang orientation para sa mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) sa Vista Mall Trade Hall sa Barangay Ususan, Taguig City noong Nobyembre 20, 2024.

News Image #1


Ang programa ay pinangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE).


Ang ika-apat na batch ng mga benepisyaryo ng SPES ay magkakaroon ng part-time na trabaho na maaaring makatulong naman sa gastusin nila sa pag-aaral.

News Image #2


Hinikayat ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga benepisyaryo na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya at tratuhin ang programa na isang mahalagang karanasan.

"Gusto natin na nagbubukas palagi ng oportunidad para sa ating mga estudyante-na sila ay matuto, magkaroon ng access sa mga programa, at makuha ang extra na financial assistance para masuportahan ang pag-aaral nila," ayon kay Cayetano.

Aniya, dapat na sinasamantala ang mga ganitong oportunidad upang sila ay umunlad at makamit ang kanilang pangarap.

(Mga larawan ng Taguig PIO)