Kailangang maghanda ang ilang mga lugar sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City dahil mawawalan ang mga ito ng kuryente ngayong gabi, Hulyo 10, 2024, hanggang kinabukasan ng Hulyo 11, 2024.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco) maga-a-upgrade sila ng mga pasilidad sa 20th Drive sa loob ng Bonifacio Global City (BGC), Barangay Fort Bonifacio, Taguig City mula gabi ng Miyerkules hanggang madaling araw ng Huwebes.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Kabilang sa pansamantalang mawawalan ng kuryente ang Aurelia Residences at MJ Tower sa BGC mula 11:30 ng gabi hanggang11:59 ng gabi sa Hulyo 10 at mula rin alas 4:00 hanggang alas 4:30 ng madaling araw sa Hulyo 11.

Ang Smith Bell Bldg. at Del Rosario Law Centre sa BGC ay mula 11:30 ng gabi sa Hulyo 10 hanggang alas 4:30 ng madaling araw kinabukasan.

Pinayuhan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga apektadong lugar na magkarga na ng kanilang mga electronic devices at ihanda ang mga kakailanganin para sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente.