Isang heroes' parade bilang pagkilala sa kahusayan ng mga Pilipinong atleta sa katatapos lamang na Paris Olympics 2024, sa pangunguna ng double gold medalist gymnast na si Carlos Yulo, ang isasagawa mula Pasay City hanggang Maynila ngayong Agosto 14, 2024 ng alas tres ng hapon.

News Image #1

(Larawan ng Philippine Sports Commission)

Ang 7.7 kilometrong parada at magsisimula sa Aliw Theater sa Pasay City, kakaliwa sa Roxas Boulevard, kanan sa Padre Burgos, kanan sa Finance Road, kanan sa Taft Avenue, kanan sa Quirino Avenue, kaliwa sa Adriatico Street at magtatapos sa Rizal Memorial Coliseum.

News Image #2

(Larawan ng Manila Public Information Office sa kanilang Facebook Page)

Maaaring tumayo ang mga manonood sa gilid kung saan dadaan ang parada habang itinataas ang kanilang mga bandila ng Pilipinas bilang pagbati sa mga matagumpay na atleta sa pamamagitan ni Yulo, ang batang Maynila na gumawa ng kasaysayan sa Olympics sa kanyang dalawang gintong medalya sa Artistics Gymnastics, Nesthy Petecio at Aira Villegas na nag-bronze medal sa boksing, at ang isa pang Manilenyo, si Ernest John Obiena na naka-pang-apat ng puwesto sa pole vault. Nasa pang-apat ding puwesto si Bianca Pagdanganan ng golf.

Ang mga motoristang maaapektuhan ay pinapayuhang humanap ng ibang dadaanan sa pamamagitan ng tulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Ipapatupad din ang stop and go traffic scheme sa ruta ng parada.


Tiniyak ng Philippine National Police na bibigyan nila ng seguridad ang mga atleta at manonood, at maging ang mga motorista, sa isasagawang parada.

Nangako ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na magbibigay ng P2 milyon kay Yulo na lumaki sa Malate.

Si Obiena naman na nakatira sa Tondo, Manila, ay bibigyan ng P500,000 sa pagkaka-puwesto bilang pang-apat sa pole vault competition.