Ibinasura diumano ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga panukala ng pamahalaang lungsod ng Makati upang maayos na mailipat sa Taguig ang mga public health facilities na pag-aari ng Makati sa EMBO (Enlisted Men's Barrios) barangays.
Sinabi ni Makati City Administrator Claro Certeza na ilang mga sulat at mga panukala ang kanilang ipinadala sa Taguig para maayos na mailipat ng Makati ang kanilang pag-aaring health centers kasama na ang Ospital ng Makati (OsMak) sa hurisdiksyon ng Taguig.
"We have initiated a series of correspondence and memorandum of agreement (MOA) proposals to the City of Taguig aimed to facilitate the smooth transfer of Makati-owned health facilities to its jurisdiction. However, these have been rejected outright, without valid reason. Unfortunately, Taguig seems adamant about taking over our hospital and health centers without acknowledging our ownership rights," ayon kay Certeza.
Ang ipinanukala ng Makati na pirmahan ng kasunduan ay may kinalaman sa walong barangay health centers sa Barangay Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Rizal, South Cembo at West Rembo kabilang na ang OsMak.
Nakalagay sa panukala ng Makati City government na upahan o bilhin ng Taguig ang lupa at ang kanilang ginastos sa pagpapaganda ng walong health centers, base sa magiging pagtataya sa gastusin ng Commission on Audit (COA).
Sa usapin naman sa OsMak, nag-alok si Makati Mayor Abby Binay kay Taguig Mayor Lani Cayetano ng credit line upang matiyak na ang mga maaapektuhang residente ay makakapagpagamot sa pasilidad.
"The credit line will function as a financial safety net, enabling Taguig City to provide essential health care services to its residents without immediate upfront payments, particularly in cases where beneficiaries may not have the means to cover their medical costs themselves," ang nakasaad sa draft MOA kaugnay ng OsMak.
Sinabi ng Makati na hindi tinanggap ni Cayetano ang panukala sa Osmak at sinabing si Health Secretary Teodoro Herbosa na ang bahala sa usapin ng ospital at health centers sa EMBO barangays.
Idinagdag pa umano ni Cayetano na ito ay dahil iniutos ni Herbosa na hindi dapat isali ang isyu ng pagmamay-ari sa mga pasilidad pangkalusugan sa proseso ng transisyon.
"Makati is willing to let Taguig use its properties without asking them for immediate payment. We are, in fact, deferring to COA to determine the reasonable amount to be charged," dagdag pa ni Certeza.
Maging ang data sharing para maprotektahan ang privacy at mga sensitibong impormasyon ng lahat ng mga pasyente ng apektadong pasilidad pangkalusugan ay ibinasura rin ng Taguig, ayon kay Certeza..
"Makati is going out of its way to work out a smooth transition with Taguig, but it is apparently hell-bent on taking over and gaining control of city-owned public facilities without due process. It persists in unduly invoking the Supreme Court decision while refusing to obtain a writ of execution from the court of origin," sabi pa ng Makati City Administrator.
(Photos by Ospital ng Makati, Ayies and FB Page of Abby Binay))
Pasilidad Pangkalusugan ng Makati sa EMBO, Ipapagamit Pero Kailangang Bayaran ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: