Nagsimula na ang Panahon ng Kapaskuhan sa Bonifacio Global City sa Taguig City makaraang buksan na sa publiko ang mga instalasyong pang-Pasko sa kapaligiran nito simula noong Nobyembre 7, 2024.
)Larawan ni Dexter Terante)
May 15 mga malalaking instalasyon na nakakalat sa kapaligiran ng BGC kung saan ang pangunahing atraksyon ay ang 45 talampakang Christmas tree sa may 7th Avenue na may malalaking oso.
(Larawan mula sa Facebook Page: Lani Cayetano)
Sa paanan ng Christmas tree ay mayroong igloo kung saan ang mga bisita ay maaaring magpakuha ng litrato sa loob ng reflective room na maraming ilaw.
Pinangunahan ng mang-aawit at aktor na si James Reid ang paglulunsad ng higanteng Christmas tree sa BGC, gayundin sina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Alfie Reyes, ang COO ng Fort Bonifacio Development Corporation.
(Larawan mula sa Lani Cayetano Facebook Page)
Sumakay din sina Cayetano at Reyes sa High Street Express Train na umiikot sa Bonifacio High Street Central.
(Larawan mula sa Lani Cayetano Facebook Page)
"It was wonderful to see Taguigueños come together to celebrate and get a sneak peek of what's in store for the upcoming New Year's Eve festivities. Let's spread love and joy this season," ang post ni Cayetano sa kanyang social media page.
Mayroon ding "Magic at the 5th" integrated displays sa 5th Avenue na lalong magpapaningning sa Kapaskuhan.
Sa mga susunod na Sabado ngayong 2024, magkakaroon ng fireworks display na tinatawag na "Sparks in the Sky" sa may 5th Avenue.
Kabilang din sa dapat abangan ang Passionfest Holiday Parade sa Disyembre 1 sa may 5th Avenue, Pet Huddle sa 5th Avenue sa Disyembre 7 at 8, ang pagbabalik ng Jameson Distillery on Tour mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 8 sa Bonifacio High Street Activity Center, at ang Santa Meet and Greet sa lahat ng Linggo ng Disyembre sa One Bonifacio High Street.
Ang Bonifacio High Street Amphitheater ay magiging lugar din ng ilang mga kaganapan tulad ng Mercado de Navidad 2024 sa Nobyembre 30 at Disyembre 1, Simbang Gabi tuwing 6:30 ng gabi mula Disyembre 15 hanggang 23 at ang anticipated Christmas Mass sa Bisperas ng Pasko ng 6:30 ng gabi.
Paskong-Pasko na sa Bonifacio Global City: Giant Christmas Tree at High Street Express Train, Bukas na sa Publiko | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: