Muling sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at lahal ng antas ng paaralan sa Luzon ngayong Oktubre 24, 2024 dahil sa patuloy na pananalasa sa bansa ng Bagyong Kristine.

News Image #1

(Larawan mula sa Presidential Communications Office)

Ayon sa Office of the Executive Secretary, hindi kasama sa kautusan ang mga opisina ng pamahalaan na may kinalaman sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad o may mga importanteng gagampanan.


News Image #2

(Larawan ng Philippine Coast Guard kung saan natagpuan ang isang labi ng lalaki sa Libon, Albay)

"Upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council relative to the forecasted continuous heavy rainfall due to Severe Tropical Storm "Kristine," and to aid in the rescue and relief operations of the government, work in government offices and classes at all levels in Luzon are hereby suspended on 24 October 2024," ayon sa kautusan.

"However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services," ayon pa sa Office of the Executive Secretary.

News Image #3

(Larawan ng Philippine Coast Guard sa Mariveles, Bataan kung saan may iniligtas silang mga mangingisda)

Maaari ring magsuspinde ng kanilang operasyon ang mga nasa pribadong sektor kung nais ng mga ito.

"Further thereto, the localized cancellation or suspension of classes and/or work in government offices in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives, pursuant to relevant laws, rules and regulations," dagdag pa ng Malakanyang.

News Image #4

(Larawan ng CBCP sa Polangui Church sa Albay kung saan sumilong ang evacuees)