Pinadali ang aplikasyon para sa pasaporte sa mga Taguigeños sa isasagawang Passport on Wheels sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City sa Setyembre 30, 2024 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

News Image #1

(Larawan ng Taguig PIO / Local Civil Registry)

Gayunman, kailangang sumailalim muna sa pre-application process ang mga nagnanais na makakuha ng pasaporte hanggang Setyembre 14, 2024 sa Taguig City Hall Auditorium mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado. Isandaang aplikante bawat araw ang aasikasuhin ng Civil Registry Office ng Taguig.

Kailangang ihanda ang mga kakailanganin para sa aplikasyon sa pasaporte. Ang bayad naman sa pasaporte ay sa Setyembre 30, 2024 na babayaran. Kabilang dito ang P1, 200 para sa bayad sa mismong pasaporte, P150 sa courier o magpapadala ng pasporte sa address ng aplikante at convenience fee na P50.

Kabilang sa mga kakailanganin ng mga bagong aplikante sa pasaporte ang mga sumusunod:
1. Personal Appearance
2. Original at photocopy ng Philippine Statistics Authority (PSA)-issued Certificate of Live Birth.
• Ang mga babaeng kasal na gumagamit sa apelyido ng asawa ay kailangang magsumite rin ng Original at photocopy ng inisyu ng PSA na Certificate of Marriage.
• ang kopya mula sa Local Civil Registrar Copy ay kinakailangan kung ang naisyu ng PSA ay malabo
3. Anuman sa government-issued ID na orihinal at ang kopya nito:
• Social Security System (SSS) Card
• Government Service Insurance System (GSIS) Card
• Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
• Land Transportation Office (LTO) Driver's License (Driver's License cards.
• Professional Regulatory Commission (PRC) ID
• Philippine Identification (PhillD)/ePhillD
• Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) E-Card
• Commission on Elections (COMELEC) Voter's ID or Voter's Certificate issued from COMELEC main office in Intramuros, Manila.
• Philippine National Police (PNP) Permit to Carry Firearms Outside Residence
• Senior Citizen ID
• Airman License (issued August 2016 onwards)
• Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
• Seafarer's Record Book (SRB) or Seafarers Identity Document (SID) ("must be issued Feb 2020 onwards) issued by the Maritime Industry Authority (MARINA)
• Valid or Latest Passport (For Renewal of Passport)
• School ID (if applicable)
• para sa mga menor de edad na aplikante, kung walang school ID, magdala ng kopya ng Certificate of Enrolment kasama ang larawan ng minor applicant at dry seal ng eskwelahan
• para sa mga aplikanteng nasa hustong edad na at nag-aaral, magdala ng school IDF at Certificate of Registration

Sa mga mag-re-renew ng kanilang aplikasyon para sa pasaporte:
1. Accomplished Application Form
2. Personal Appearance
3. Current ePassport kasama ang photocopy ng data page; at
4. Original PSA-issued documents na magsusuporta sa pagpapalit ng pangalan ng aplikante
• Certificate of Marriage;
• Annotated Certificate of Live Birth;
• Annotated Certificate of Marriage para ipakita kung napawalang bisa ang kasal, diborsyado o may kautusan ang korte, at
• Certificate of Death ng asawang namatay (kung ganito ang pangyayari)