Limandaang Taguigeños ang mabibigyan ng bagong pasaporte sa pagbaba ng Department of Foreign Affairs sa lungsod para sa proyekto nitong "Passport On Wheels."

News Image #1

(Larawan ng Taguig PIO)

Ang pangunang aplikasyon para sa bago o renewal ng pasaporte ay isasagawa sa Taguig City Hall Auditorium mula Setyembre 2 hanggang 14, 2024, Lunes hanggang Sabado, ganap na alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Ang mismong araw ng pagkumpleto sa proseso ng aplikasyon ay sa Setyembre 30, 2024, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

May bayad ang aplikasyon ng pasaporte: P1, 200 ang bayad sa pasaporte, P150 sa courier at P50 sa convenience fee. Lahat ng ito ay babayaran ng aplikante sa Setyembre 30, 2024.

Sinabi ng Taguig City Registry Office na ang mga mag-aapply ng pasaporte sa Setyembre 2 hanggang 14 sa Taguig City Hall Auditorium ay titingnan muna ang aplikasyon kung maaaprubahan. Kapag naaprubahan, pupunta sila sa Passport on Wheels venue sa Lakeshore Hall sa Setyembre 30.

Kabilang sa mga kinakailangan para sa mga nasa edad na mag-a-apply ng bagong pasaporte ay ang mga sumusunod:

1. Personal na isasagawa ang aplikasyon
2. Punan ang kinakailangan sa application form.
3. Original at photocopy ng inisyu ng Philippine Statistics Authority na Certificate of Live Birth
• Sa mga babaeng kasal na at ginagamit ang apelyido ng asawa, kailangan ding magharap ng Certificate of Marriage
• Kailangan ang Local Civil Registrar na kopya ng mga inisyung dokumento ng PSA kung hindi malinaw ang nakuha sa PSA.
4. Government-issued ID - orihinal at kopya.

Kung late nang nakapagparehistro ng kapanganakan, kailangang magsumite ng inisyu ng PSA na Certificate of Live Birth, Report of Birth, o Certificate of Foundling.

Kailangan din ang dagdag na government issued-ID, o kung wala nito ay dalawa sa mga sumusunod na dokumento:

• NBI Clearance (balido o expired);
• School Records tulad ng Form 137-A, Transcript of Records o Diploma mula sa Elementary, High School and/or College
• Kung government employee, kailangan ng Service Record;
• Member Data Record (MDR) mula sa PhilHealth

Ang mga tinatanggap lang na government-issued ID sa pag-apply ng pasaporte ay ang mga sumusunod (kailangang dala ang orihinal at kopya)

• Social Security System (SSS) Card
• Government Service Insurance System (GSIS) Card
• Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
• Land Transportation Office (LTO) Driver's License (Driver's License cards.
• Professional Regulatory Commission (PRC) ID
• Philippine Identification (PhillD)/ePhillD
• Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) E-Card
• Commission on Elections (COMELEC) Voter's ID or Voter's Certificate issued from COMELEC main office in Intramuros, Manila.
• Philippine National Police (PNP) Permit to Carry Firearms Outside Residence
• Senior Citizen ID
• Airman License (issued August 2016 onwards)
• Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
• Seafarer's Record Book (SRB) or Seafarers Identity Document (SID) ("must be issued Feb 2020 onwards) issued by the Maritime Industry Authority (MARINA)
• Valid or Latest Passport (For Renewal of Passport)
• School ID (if applicable)
• Para sa minor applicants, kung walang school ID, kailangang magdala ng kopya ng Certificate of Enrolment kasama ang larawan ng aplikanteng menor de edad at ang dry seal ng eskwelahan.

Para sa mga nasa tamang edad nang aplikante, dalhin ang school ID at Certificate of Registration.

Sa mga magre-renew naman ng pasaporte, kailangan din ang napunan nang application form, personal na pagpapakita sa araw ng aplikasyon, kasalukuyang ePassport na may kopya ng data page, at original na inisyung dokumento ng PSA na magsusuporta sa pagpapalit ng pangalan ng aplikante, Certificate of Marriage para sa mga kasal na, annotated Certificate of Live Birth, annotated Certificate of Marriage upang ipakita ang annulment o diborsyo o kautusan ng korte, at kung namatay ang asawa, Certificate of Death of Spouse.

Sa mga menor de edad na aplikante, kailangang ang kanilang application form na napunan na, personal na pagpapakita ng menor de edad na aplikante kasama ang magulang o otorisadong matanda, katunayan ng relasyon ng kasamang matanda sa bata, inisyu ng PSA na Certificate of Live Birth, ihanda rin ang Local Civil Registrar Copy kung hindi mabasa ang inisyu ng PSA, school ID.

Kung ang i-a-apply na bata ay bagong panganak o mababa sa 1 taong gulang at wala pang PSA birth certificate o report of birth, kung ipinanganak sa Pilipinas, kailangang magsumite ng Certified True Limandaang Taguigeños ang mabibigyan ng bagong pasaporte sa pagbaba ng Department of Foreign Affairs sa lungsod para sa proyekto nitong "Passport On Wheels."

Kung ang i-a-apply na bata ay bagong panganak o mababa sa 1 taong gulang at wala pang PSA birth certificate o report of birth, kung ipinanganak sa Pilipinas, kailangang magsumite ng Certified True Copy (CTC) ng Local Civil Registrar (LCR) Birth Certificate na in-authenticate ng PSA.

Kung ipinananganak naman sa ibayong dagat, magsumite ng orihinal na birth certificate at indorsement mula sa Consular Records Division (CRD).

Kung ang PSA-issued Certificate of Live Birth ay nairehistro isang taon makaraan ang pangyayari, ang menor de edad na aplikante ay kailangang mag-sumite ng isa sa mga sumusunod na kinakailangan:

• School Records; o
• Baby book o health record o ang kahalintulad na dokumento.

Para rin sa menor de edad na aplikanteng kasal ang magulang, ang sasamang magulang sa aplikante ay kailangang may balidong pasaporte ng Pilipinas o pruweba ng pagkakakilanlan. Kailangan din ang kopya ng pasaporte ng asawa.

Kung dayuhan naman ang sasamang magulang, kailangang maipakita ang foreign passport nito at kopya ng pasaporte ng Pilipinong magulang o ibang pruweba ng pagkakakilanlan.

Kung ang menor de edad ay may kasamang matanda na hindi naman magulang nito, kailangan ng Special Power of Attorney (SPA) na nilagdaan ng magulang o legal guardian kasama ang pasaporte ng mga ito.

Kung ang mga magulang ay hindi kasal, ang nanay lamang ng aplikante ang maaaring sumama sa menor de edad. At kung hindi kasama ang nanay, kailangan ng Special Power of Attorney (SPA) na ibibigay ng nanay sa sasama rito. Kailangang authenticated ng Philippine Embassy o Consulate kung ang SPA ay ginawa sa ibang bansa.

Para sa kumpletong listahan ng mga passport requirements, magtungo sa: www.dfa.gov.ph.

Copy (CTC) ng Local Civil Registrar (LCR) Birth Certificate na in-authenticate ng PSA.

P