Inaanyayahan ang lahat ng Taguigeños na may alagang hayop na makilahok sa isasagawang Paw Run 2024 sa Arca South, Barangay Western Bicutan sa Oktubre 5, 2024 mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Maaaring sumali ang mga alagang hayop ng mga taga-Taguig na maayos ang kalusugan, bakunado laban sa rabies at hindi agresibo o palakaibigan sa ibang pets. Kailangan ding naka-diaper ang mga alagang hayop kapag tumakbo na sa Paw Run.

Kailangan ding isang alagang hayop lamang sa bawat isang may-ari.

Upang makalahok, magparehistro muna sa link na ito https://bit.ly/TaguigPawRun2024 o scan ang QE code sa ibaba.

News Image #2

(Larawan ng Taguig PIO)

Kung nakapagparehistro na dati bago na-postpone ang naturang kaganapan at nakatanggap na ng kumpirmasyon, hindi na kailangang muling magparehistro.