Ibibigay ng Philippine Basketball Association (PBA) ang lahat ng kinita ng unang laro sa Governors' Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at TNT sa mga biktima ng Bagyong Kristine.

News Image #1

(Larawan mula sa PBA)

Ayon sa PBA Board, sa kanilang press conference na isinagawa sa The Atrium ng Enderun Colleges sa Taguig City, maghahanap din sila ng iba pang sponsors na magbibigay ng karagdagang tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang mga dati namang manlalaro ng Gilas Pilipinas ay magbibigay rin ng kanilang tulong para sa mga biktima ng bagyo, tulad ng nakagawian na sa dating mga sakuna, ayon sa dating coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes na coach ngayon ng TNT sa iskor na 104 laban sa 88 ng Ginebra.

Ang Game 1 ng Finals ay isinagawa sa Ynares Sports Center sa Antipolo City noong Oktubre 27 kung saan nanalo ang TNT.

Ang mga kinita ng PBA sa Game 1 ay ipapadala sa mga nasalanta sa pamamagitan ng Alagang Kapatid Foundartion, Incorporated ng TV 5 Network, Inc.