Isa na namang Pet Caravan ang isasagawa ng Office of the City Veterinarian at pamahalaang lungsod ng Taguig sa Disyembre 6, 2023 sa Lakeshore Tent Hall, C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Hinihikayat ang mga taga-Taguig na may alagang aso at pusa na dalhin sa Pet Caravan sa Lakeshore Hall mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ang deworming, pagbabakuna laban sa rabies, pagpapakonsulta ng kanilang alaga sa mga beterinaryo at pagpapasaksak ng bitamina.
Mayroon ding libreng microchipping ng mga alaga pero ito ay limitado lamang sa may 500 pets na dadalhin ng kanilang mga tagapag-alaga sa mismong araw ng Pet Caravan.
Mayroon ding libreng pagkakapon sa mga alagang aso at pusa subalit limitado rin lamang ang bilang ng mga tatanggapin kaya't kailangang agahan ang pagpila. Maaari ring magrehistro sa link na ito para makasigurong may makukuhang slot sa pagpapakapon: https://bit.ly/SpayingAndNeuteringFormDecember2023
Hintayin ang confirmation email o text mula sa Office of the City Veterinarian at ipapakita ito sa araw mismo ng pagkakapon.
Kailangan na dala ng mga pet owners ang kanilang balidong ID na nagpapatunay na sila ay residente ng Taguig City kasama na ang EMBO (Enlisted Men's Barrio) barangays sa araw ng Pet Caravan.
Dalhin din ang updated rabies vaccination ng alaga, ikulong o itali, at lagyan ng busal kung agresibo ang alaga. Hinihimok din na lagyan ng diaper ang alaga at magdala ng sariling basahan at plastic bag para sa dumi o ihi ng kanilang alaga.
Ang mga alagang sasailalim naman sa deworming ay kailangang walang sakit at ang edad ay dalawang linggo pataas.
Sa mga sasaksakan ng anti-rabies vaccine, kailangang malusog, nasa edad na tatlong buwan pataas at walang nakagat na tao o hayop sa nakaraang dalawang linggo.
(Photos by Office of the City Veterinarian)
Pet Caravan sa Lakeshore Tent Hall C6 sa Disyembre 6 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: