Magsasagawa ng Pet Caravan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ngayong Hunyo 17, 2024, Lunes, sa Taguig Center for Disaster Management Office, Dalupang St., Barangay Central Signal mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

News Image #1


Libre ang mga serbisyong ibibigay para sa mga alagang hayop, partikular ang mga aso at pusa, ng Office of the City Veterinarian ng Taguig.

Para sa anti-rabies vaccination, ang mga aso at pusa na maaaring bakunahan ng libre ay kinakailangang nasa edad 3 buwan pataas at walang sakit. Gayundin, kailangang wala itong nakagat o nakalmot na tao sa nakaraang dalawang linggo. Bawal ding bakunahan ang mga naglalandi, buntis o nagpapadedeng babaeng aso o pusa.

News Image #2



Maaari ring magpakapon ng libre sa Pet Caravan sa Barangay Central Signal. Prayoridad sa pagkakapon ang mga nakapagparehistro na noon pang Mayo 8, 2024 sa ibinigay na pre-registration link.

Maaari pa rin namang subukang magwalk-in subalit kailangang wng ikakapon ay anim na buwan na pataas at may timbang na 3 kilo pataas. Bawal ang buntis, nagpapadede o naglalandi. Kailangan din siguruhing walang nakagat sa nakaraang dalawang linggo. At kailangang hindi kumain ng 6 hanggang 8 oras bago ang pagkakapon.

News Image #3



Mayroon ding libreng microchipping, deworming at pagbibigay ng bitamina at iba pang kinakailangang gamot. May mga beterinaryo ring maaaring tanungin tungkol aa kalagayan ng kalusugan ng kanilang alaga.

Ang Pet Caravan ay regular na umiikot sa mga barangay ng Taguig City.

Kailangan lamang ba magdala ang pet owner ng balidong ID na may address sa Taguig o barangay sa EMBO, at may updated anti-rabies vaccination card kung mayroon.

Kailangan ding naka-diaper ang alagang dadalhin, nakakulong o nakatali, at may panlinis ng kanilang dumi.

Kung agresibo ang alaga, lagyan ito ng busal o takip sa bibig.


(Photos by Office of the City Veterinarian Taguig)