Libreng bakuna laban sa rabies, pagkakapon, deworming at microchipping ang isasagawa ng Office of the City Veterinarian (OCV) ng Taguig sa Pet Caravan sa Barangay Upper Bicutan sa Disyembre 4, 2024.
(Larawan ni Dexter Terante)
Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga Taguigeño na may alagang aso at pusa na dalhin ang kanilang mga alaga sa Purok Dos Multi-purpose Building, Barangay Upper Bicutan mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa Miyerkules.
(Art card ng Taguig PIO)
Kabilang sa mga serbisyong libreng matatanggap ng mga Taguigeño para sa kanilang mga alaga ay ang sumusunod:
• Pet Deworming
• Anti-rabies vaccination
• Pet Consultation
• Pet Microchipping
• Vitamin shots at mga gamot makalipas ang konsultasyon sa mga beterinaryo ng OCV
• Libreng kapon (puwede ang walk in subalit ang mapagsisilbihan agad ay ang mga una sa pila. Dalawang alaga lang ang puwedeng kapunin sa bawat owner)
Kailangan lamang na magdala ng mga sumusunod:
• Valid ID na may address sa Taguig o barangay sa EMBO
• Updated anti-rabies vaccination card ng alaga (kung mayroon)
• Kulungan o tali para sa alaga
• Tissue paper, basahan, at plastic bag para sa dumi at ihi ng alaga
• Siguruhing naka-diaper ang alaga at mayroong dalang extra diaper bago pumasok sa entrance. No diaper, no entry.
• Lagyan ng mouth cover o busal kung agresibo ang alaga
Sa deworming, kailangan ang mga sumusunod:
• Siguruhing malusog ang alagang aso at pusa
• Kailangang edad na 2 linggo pataas ang alaga
Sa anti-rabies vaccination, kailangan ang mga sumusunod:
• Kailangang malusog at walang sakit ang aso at pusa
• May edad na 3 buwan pataas
• Kung babae ang alaga, hindi dapat naglalandi, buntis, at nagpapasuso
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
Ang mga kakapuning pusa ay kailangang:
• Dapat may edad na 6 na buwan pataas at may timbang na 3 kilos pataas
• Hindi dapat buntis, nagpapasuso, at naglalandi ang babae
• Dapat malusog at hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
• Dapat nag-fasting o ayuno ng 6-8 oras bago ikapon
Sa ikakapon namang aso, narito ang mga kinakailangan:
• Dapat may gulang na 6 na buwan pataas at may timbang na 4 kilos pataas
• Hindi dapat buntis, nagpapasuso, at naglalandi ang babae
• Dapat malusog at hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
• Dapat nag-fasting o ayuno ng 6-8 oras bago ikapon
Kung may dagdag na tanong, maaaring dumiretso sa Facebook Page ng OCV sa
https://www.facebook.com/ocv013
Pet Caravan: Libreng Bakuna Laban sa Rabies, Pagkakapon, at Iba Pa, Isasagawa sa Barangay Upper Bicutan sa Disyembre 4, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: