Libreng bakuna laban sa rabies, pagtatanggal ng bulate, microchipping at iba pa ang hatid sa mga may alagang aso at pusang mga 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠𝐞𝐧̃𝐨 sa isasagawang pet caravan ngayong Miyerkules, Nobyembre 6, 2024 sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City ngayong Nobyembre 6, 2024.
(Larawan ng Office of the City Veterinarian ng Taguig)
Magsisimula ang pet caravan ng alas 7:00 ng umaga at kinakailangan lamang na may tali o pet carrier, naka-diaper, may dalang pampulot ng dumi o panlinis, at nakabusal (kung agresibo) ang mga alaga para matiyak na ligtas, maayos at malinis ang pagdadala sa mga alaga.
Kabilng sa mga libreng serbisyong ipagkakaloob sa mga alagang hayop at pusa ay:
• Free Pet Deworming
• Free Anti-rabies vaccination
• Free Pet Consultation
• Free Pet Microchipping
• Free Vitamin shots and medicines
• Libreng kapon (Mahigit sa 300 slots ang nakahanda at first come, first served. Papayagan lamang ang mga walk-in mula ala 1:00 ng hapon).
Kailangan lamang na magdala ng balidong ID na may address sa Taguig o barangay sa EMBO (enlisted men's barrio) ang mga magpapatingin o magpapaserbisyo sa kanilang mga alagang hayop.
Dalhin din ang pinakahuling anti-rabies vaccination card ng alagang hayop kung mayroon.
Ang mga sasailalim naman sa pagpurga ay kailangang nasa edad 2 linggo pataas at malusog o walang sakit. Ang mga babakunahan naman laban sa rabies ay kailangang edad 3 buwan pataas at wala ring sakit. Ang mga kakapunin naman ay dapat na edad 6 na buwan pataas at may timbang na 3 kilo pataas at hindi kumain ng 6 hanggang 8 oras bago kapunin,
Pet Caravan Ngayong Araw na Ito, Nobyembre 6, 2024, Isasagawa sa Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan; Maraming Libre | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: