Ilabas na ang mga aso at pusa, mga EMBO (enlisted men's barrio) residents sa Marso 1, 2024, Biyernes, dahil magkakaroon ng libreng pagbabakuna at pagkakapon sa isasagawang Pet Caravan ng Taguig City sa Lakeshore Tent Hall sa C6 Road, Barangay Lower Bicutan.
Ang Pet Caravan na ito sa Marso 1, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ay para lamang sa mga residente ng EMBO barangays.
Maaaring mag-walk-in ang mga EMBO residents dala ang ID na may address sa EMBO barangays sa Taguig at ang pinakahuling vaccination card ng alaga (kung mayroon) para sa libreng anti-rabies vaccination, deworming, vitamin shots at gamot, microchipping at konsultasyon.
Ang kailangan lamang na magpa-rehistro bago ang araw ng Pet Caravan ay ang mga magpapakapon ng aso at pusa. Mag-rehistro sa https://bit.ly/EMBOSpayingAndNeutering at sagutan ang online registration form. Isang alaga lamang sa bawat isang may-ari ang ikakapon.
Hintayin muna ang confirmation text o email mula sa Office of the City Veterinarian para malaman kung makakasama ang alaga sa kakapunin sa Marso 1. Sumagot sa confirmation text o email bago o sa mismong araw na ibinigay na deadline. Kapag hindi naka-reply, maaaring ibigay ang slot sa iba.
Sa mga ide-deworm na alaga, kailangang wala itong sakit at nasa edad na 2 linggo pataas na.
Ang mga magpapasaksak naman ng anti-rabies para sa alagang aso at pusa ay kailangan ding walang sakit ang alaga at may edad nang 3 buwan pataas. Bawal din ang buntis, nagpapasuso o naglalanding alagang babae. Kailangan ding wala itong nakagat na tao o kapwa hayop sa nakaraang 2 linggo.
Ang mga papasok naman sa listahan ng kakapunin ay kailangang 6 na buwan pataas at ang timbang ay 3 kilo pataas. Hindi rin buntis, nagpapasuso, naglalandi at walang sakit. Kailangan ding walang nakagat ang hayop sa makalipas na 14 na araw. At kinakailangang hindi kumain ang alaga 6 hanggang 8 oras bago ikapon.
Kung may mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the City Veterinarian ng Taguig City sa art card sa ibaba.
(Art cards from Office of the City Veterinarian - Taguig)
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Pet Caravan Para sa EMBO Residents, Isasagawa sa Marso 1, 2024 sa Lakeshore Hall C6 Barangay Lower Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: