Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, kailangan lamang na updated ang anti-rabies shots (dalhin ang kanilang vaccination card o litrato ng kanilang vaccination card), may tali o kulungan at naka-diaper anf mga pets na dadalhin sa Christmas by the Lake.
Kailangan ding mabait at hindi agresibo ang alaga. May waiver na lalagdaan ang pet owner bago pumasok sa Christmas by the Lake kung saan matutunghayan ang napakaraming magagandang ilaw at matitikman ang masasarap na pagkain sa Mercado del Lago.
Bukas ang The Lights of Christmas (TLC) Park, Food Park, Mural Park, Walkway of Lights, Mercado Del Lago Floating Village and Food Park at ang Concert Grounds ng Linggo hanggang Huwebes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi, at sa Biyernes at Sabado ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi.
Mayroon ding fireworks display tuwing Sabado ng alas 8:00 ng gabi.
Libre ito sa lahat, magpapa-book lamang upang hindi na kailangang pumila ng napakahaba sa https://tlcpark.taguig.info/schedule o tumawag sa 0919.330.4146 o 0961.704.6623 kung ang grupong magpapa-book ay nasa 10 pataas.
Ang Christmas by the Lake ay bukas hanggang sa Enero 14, 2024.
(Video and photos by Taguig PIO and Christmas by the Lake FB Page)