Excited na ang Japanese girl group na Phantom Siita sa kanilang pagpunta sa Pilipinas kaugnay ng kanilang unang world tour na pinamagatang "Moth to a Flame" sa darating na Enero 18, 2025 sa Samsung Hall ng SM Aura sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City.
Ang Phantom Siita (γγ‘γ³γγ γ·γΌγΏ) ay kinabibilangan nina Mona, Miu, Rinka, Hisui, at Moka.
(Larawan mula sa Phantom Siita)
Ayon sa grupo, marami silang tagapanood mula sa Pilipinas na sumusubaybay sa kanila online kung kaya't natutuwa silang dito isasagawa ang kanilang unang world tour.
Ang titulo ng kanilang pagtatanghal na "Moth to a Flame" ay hango sa isang Japanese proverb kaugnay ng pagharap sa mga hamon sa buhay kahit may panganib.
Ang kanilang pagtatanghal ay parang sa teatro at kakaiba kaysa sa tradisyonal na napapanood sa mga girl groups.
Ang tiket para sa naturang pagtatanghal ay mabibili sa SM Tickets.
Phantom Siita, Japanese Girl Group, Magtatanghal sa SM Aura sa Enero 18, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: