Pagpapahusay ng training programs sa serbisyong pangkalusugan partikular sa patient navigation, cancer registration at palliative care ang tinalakay ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kasama ng Philippine Cancer Society (PCS) sa kanilang pagpupulong sa tanggapan ng TESDA sa Taguig City noong Biyernes, Disyembre 6, 2024.

News Image #1


Ang PCS na kinatawan ni Dr. Kelly Salvador, Medical Oncologist at Board Director ng organisasyon, ay nakipagpulong sa TESDA sa pangunguna naman ni Director General, Secretary Jose Francisco Kiko Benitez, upang talakayin ang pangunahing programang magsasanay sa mga nasa hanay ng kalusugan lalo na sa pag-aalaga ng maysakit na kanser.

News Image #2


Ang patient navigation ay isang uri ng pagbibigay-serbisyo sa mga pasyente upang magkaroon sila ng agarang konsultasyon at diagnosis at panggagamot sa sakit na kanser at iba pang malalang sakit sa pamamagitan ng pagtatanggal sa mga balakid sa pagbibigay ng mga serbisyong ito.

News Image #3


Sa palliative care, tutulungan ang mga pasyenteng nasa terminal na kalagayan na maging komportable sa kabila ng kanilang sakit.

Inisa-isa ni Salvador ang mga potensyal na maaaring pagtulungan ng PCS sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan; partikular ang kapasidad ng mga healthcare professionals.

Pauunlarin din ang competency standards sa caregiving o pag-aalaga sa pasyente na nasa terminal na kalagayan sa pamamagitan ng pagsasanay sa TESDA.

Iminungkahi rin ng PCS na lumikha ng micro-credentials sa cancer registry, palliative care, at patient navigation na naaayon sa mga ospital at iba pang nasa panggagamot ng kanser.

Gayundin, ang magtatapos sa pagsasanay ay makakatanggqp ng joint certification sa TESDA at PCS.

Lilikha rin ng pagtataya sa palliative care

(Mga larawan mula sa TESDA)