Ilalabas na ang limitadong bilang ng kauna-unahang polymer banknote series ng Pilipinas ngayong araw na ito kung saan 70 hanggang 90 milyong piraso ang ilalagay sa sirkulasyon para sa bagong P50, P100 at P500 na denominasyon.

News Image #1


Ang mga bagong "plastik" na pera ay ilalabas lamang sa Metro Manila at saka ipapaikot sa iba pang parte ng bansa.

Maaaring makuha ang bagong mga polymer na pera sa mga bangko, sa pamamagitan ng over-the-counter withdrawal. Sa susunod ay makukuha na rin ang mga ito sa mga automated teller machines (ATM).

News Image #2


"Since this is an initial launch of the polymer banknote series, we will have limited quantities in about 70 to 90 million per denomination for the P500, P100 and the P50. In the coming years, especially in 2025, we will have more quantities of the P500, P100 and P50," ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor Mary Anne Lim.

News Image #3


Patuloy namang magagamit ang perang papel na may mukha ng mga bayani ng Pilipinas kahit nasa sirkulasyon na ang polymer bank notes, ayon kay Lim.

"It has always been the position of BSP that both feature the national heroes and the rich biodiversity of the Philippines - who are flora and fauna. Both are equally important and deserve to be recognized," ayon kay Lim.

Ang unang batch ng polymer banknotes ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Note Printing Australia ng Reserve Bank of Australia.

Kung may katanungan sa polymer banknotes ng Pilipinas, maaaring makipag-ugnayan sa website na ito: I-click ang link (bit.ly/PolymerPH) o i-scan ang QR code para sa karagdagang impormasyon tungkol sa FPP Banknote Series.

News Image #4


(Mga larawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas)